r/Tagalog • u/Isagawi • 18h ago
Definition Anong tawag dito?
Kaya pala hindi nakakalito ang paggamit ng mga katagang Lamukot, lamukos, lamutak, o lamusak, dahil nariyan na rin ang ugat.
Lamukot(Lukot), Lamusak(Lusak), Lamutak(Lutak), Lamukos(Lukos), Lamuray(Luray).
Lamirat(Lirat)?
Lamikmik?
Mayroon pa ba kayong alam?
Anong tawag diyan? At saka sa mga katagang nag-uumpisa sa "L" lamang ba siya lumilitaw o Lam- talaga kabuuan ng panlapi niya mula sa "Lamas"?
•
u/Rakiasugoi 7h ago edited 7h ago
Ayon kay Blust (2003) may Proto-Awstronesyong Trikatomiyang Morpolohikal ukol sa mga bahagi ng salita tulad ng pu- na nagpahihintulot ng galaw, pi- na nagpahihintulot i-lugar, at pa- na sa kabuuan ay pagpahihintulot. Ayon naman kay Kaufman, tila may tuon sa tagaganap na katumbas para sa lahat ng ito, kabilang ang mu- para sa galaw, mi- para sa lugar, at ma- bilang isang pangkusang unlapi.
*Kut ayon kay Wolff (1999) ay isa sa mga pagkakasunod-sunod ng tunog na lumilitaw bilang mga huling pantig sa malawak na sakop, ngunit hindi maaaring muling buuin bilang isang ugat na binubuo ng iisang pantig.
pikut (pagpahihintulot na mabigkis sa isang bagay o mapasakamay, na-corner) "Ginagamit sa sapilitang kasal"
dakut (pagkuha gamit ang kamay)
hakut (paglilipat ng isang bagay gamit ang kamay)
Ngayon bumalik tayo sa La+salitang ugat
Hal.
Lamurit (adj. crushed or broken by too much handling) La+purit
Lamuyot (n. squeezing or crushing with the hands) La+puyot (puyot is soft and smooth like fluid)
Lapirot/Lamirot (adj. mussed; crumpled; squashed) La+pirot
Sa wari ko e Lamirat e mula sa pirat, variant ng pirot dahil ang mga salitang nagsisimula sa p/b ay nagiging m. Tingin ko rin La- talaga yaan hindi gitlaping -am-. Dahil may salitang Lamuymoy o Lamulmol (n. threads, fibers) kaya ginamit ito sa sinag ng araw dahil mukhang hibla ang sinag hindi lang dahil sa gawa ito ng mga kamay.
Wala akong mahanap tungkol sa unlaping La-, pero ang tingin ko naman ito ay fossilized na unlapi galing sa Ali/Ala/Alu atbp. Tulad ng Alalawa na tinatawag din na Lalawa na ang ibig sabihin ay gagamba. May salitang Alindahaw sa Cebuano na ang ibig sabihin ay ambon, sa Tagalog naman ay Alandahaw, at sa Tausug naman ay Andahaw.
https://bahasawan.com/wp-content/uploads/2020/01/Predicate-classes-and-PAn-ka-H.pdf
Appendix:Proto-Austronesian monosyllabic roots - Wiktionary, the free dictionary
https://en.wiktionary.org/wiki/hakot
https://en.wiktionary.org/wiki/alandahaw
•
u/AutoModerator 18h ago
Reminder to commenters: IT IS AGAINST THE RULES OF /r/Tagalog TO MISLEAD PEOPLE BY RESPONDING TO QUESTION POSTS WITH JOKES OR TROLL COMMENTS (unless the OP /u/Isagawi says you could) AND IS GROUNDS FOR A BAN. This is especially true for definition, translation, and terminology questions. Users are encouraged to downvote and report joke, troll, or any low-effort comments that do not bring insightful discussion. If you haven’t already, please read the /r/Tagalog rules and guidelines (listed in the subreddit description on mobile or in the sidebar on desktop) before commenting on posts in this subreddit.
I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.